Wednesday, April 27, 2011

Dahil sa Kanya!

Maraming dahilan kung bakit parin ako matatag, sa kabila ng lahat ng aking problema lalo na sa pamilya...nagiging matatag ako sa lahat sa tulong ng mga kaibigan, kapatiran sa church na parte na din ng pamilya, at syempre sa suporta ng bawat kasapi ng pamilya, ng dahil sa lahat ng yan nagiging matatag ako at habangbuhay na matatag at malakas sa anumang harapin na laban sa buhay..

Pero sa kabila ng lahat ng iyan, iisa lamang ang pinagmulan ng lahat ng dahilan na yan, at yun ay Dahil sa Kanya, dahil kay Hesus, dahil kay Lord, nagpapasalamat ako at binigay niya sa akin ang lahat ng mga taong yan, na nagiging instrumenta para ako ay patatagin at palakasin sa anumang pagsubok.. sa kanya ako humuhugot ng lakas at di ako nabibigong makakuha nito at sumusobra pa nga ang lakas na natatamo ko sa Panginoong Diyos natin, sa twing kailangan ko ng comforter lagi syang nandyan, sa mga oras ng kalungkutan sa kanya ako lumalapit at sinasabi ang mga daing, hinaing at iniiyak ang lahat sa kanya, dahil alam kong wala ng iba pang dapat lapitan kundi siya lamang na lumikha sa ating lahat, wala ako sa katayuan ko kundi dahil sa kanya, sa nararating ko ngayon siya lamang ang dahilan, ang kanyang grace, pagpapala, mga biyaya. Siya ang source ng lahat ng bagay kaya lahat ay mahihiling natin sa kanya bastat itoy karapat dapat lamang para sa atin, siya ay katulad ng ating mga magulang na ang tanging hangad ay ang para sa ikabubuti ng kanyang mga anak.

Lubusan ang pasasalamat ko sa Kaitaas taasan sa Panginoong Diyos.. Hallelujah.. <3

No comments:

Post a Comment