Saturday, April 23, 2011

Conqueror's Camp (Victory in Jesus)

Hi! Hello! Goodevening, Goodmorning
I just want to share my experience during our Conqueror's Camp, April 22-23, 2011.
First of all I'd like to thank the Lord God Jesus for all the blessings and for all the goodness that He has done for me and for my family, I also thank God because I'd graduated the LCBTC batch 2 then in Conqueror's Camp batch 2 also.
Thursday, April 21, hindi pa Conqueror's Camp, pero super excited na ko talaga. Nakapagprepare na lahat, kasi nung afternoon ng Thursday, fasting kami nun sa Church, so sa fasting palang talaga nararamdaman ko ng yung Joy and the Excitement para sa Conqueror's Camp, may konting lesson and some sharings about the Word of God, how to live a holy life, being upright, Man of God's own heart, dun palang nakakabless na yung mga pangyayari dahil pag katapos nun nagkaroon kame ng personal time sa Lord, nakipag usap kame sa Panginoon, nanalangin ng mga dapat ipanalangin. Yung fasting na yun ay napakaganda dahil priniprepare na namin yung sarili namin sa darating na conqueror's camp, na bago ka pumunta sa conqueror's camp ay nag papa-filled ka na ng holy spirit nang sa ganon habang nag aaral na, nakikinig na sa bawat topics and lessons na ituturo ng mga facilitators ay mauunawaan mo, mabibigyan ka ng Lord ng knowledge and the wisdom you need, just to understand what are the messages, the purposes and the learnings you need to know. Sa lahat ng lesson na tinackle namin, 3 lessons talaga yung sobrang nablessed ako kasi its more about father, about the breaking strongholds. SaFatherheart of God na ni-lesson ni Ate #May, while i'm listening unti unting pumapatak yung luha ko, kasi natatouch ako sa lesson at tsaka pinarerealize sakin ni Lord na napakapalad ko pala, kasi di ko naranasan yung uri ng ama na Abusive, Irresponsible, Unfaithful and Absentee father, kahit ang papa ko nasa China, no! never ko naramdaman o nafeel na wala akong ama,na pabaya yung tatay ko, alam mo yun? yung parang sobrang secured ka sa kanya, tiwala ka sa kanya di nagkukulang, although strict daming rules, pero alam mong tama yun at para yun sa ikabubuti mo. Ganoon din ang Panginoong Diyos, never ka niyang iiwanan sa lahat ng bagay ano man ang mangyari, talikuran mo siya pero di ka niya pa rin tatalikuran kasi mahal ka niya bilang isang anak niya at walang ibang hangad kundi mapabuti ka lang. Napakapalad ko, ang father ko hindi perfect pero napupunan niya ang pagmamahal na kailangan ko much more pa kaya ang "Perfect Heavenly Father" natin na si Jesus Christ, na kaya pang lagpasan ang lahat na di kayang ibigay ng isang ama natin dito sa lupa. Ganoon kapowerful and "Love" niya sa ating lahat, walang makahihigit because His love is unconditional, no one can express, no one can compare at lahat tayo pantay pantay in His eyes, we are all the "Apple of His eyes." napakasarap marinig at malaman hindi ba? na mahal na mahal tayo ng Diyos at walang sinuman ang makapag hihiwalay sa pagmamahal niya para sa atin.. sa isang kanta na napakaganda ang message "Nothing can separate us, Nothing can separate Us Now, from His love, Nothing can come between Us, nothing can separate Us now, from His Love.." DIBA? grabe napakapalad nating lahat..Amen!
Dun naman sa Lesson na tinackle namin na nilesson ni Ate #Roselyn, The Cross at Breaking Stronghold na nilesson ni Ptr. Ramon .. tinuro dun yung ibig sabihin ng lahat ng mga ginawang pagpapahirap sa Panginoong Hesus, pero sa akin, iisa lang ang ibig sabihin ng lahat ng iyon, lahat yun nadanas, naranasan, tiniis ng ating Mahal na Panginoon dahil mahal na mahal niya tayo, at tayo ay mga anak niya, kadalasan lang talaga na sa ating mga kapwa may mga matitigas ang ulo, alam niya ang lahat ng Pag hihirap ng ating Panginoon pero bakit nakakalimutan parin, dahil kulang siya sa kaalaman, di niya alam yung mga bagay na nakakapagpalaya sa kanya sa kasalanan, tinubos tayo ng Panginoong Diyos at inalis ang ating mga kasalanan nang sa ganoon ay makalayo tayo..pero why this world is getting worser and worser, kasi maraming tao and di naoovercome yung mga gawa ng kaaway, yung mga ungodly habits and ways, mga makamundong bagay na naghahatak papalayo sa Diyos.. pero as a Christian who knows the truth, we must share it to others, we must preach the gospel to others so that we can save them,their souls, teach them how to repent their sins so that they will be forgiven to their sins, for the wages of sin is death. Dapat ay laging itanim natin sa ating mga puso ang word of God at wag kalimutang ibahagi ito sa iba sapagkat ito ang misyon ng isanng kristiyano, nagsa ganoon ay maraming maligtas na kaluluwa, at ang mga kaluluwang maliligtas ay makakapag ligtas din ng mga kaluluwa. AMen. Praise God.
And then nung burning ceremony, di na talaga ako nag atubiling icheck at bilugan ang lahat ng mga sins na nakaraan at present, kasi hindi makakatulong sa yo yung not being honest sa importanteng bagay na yun, dahil yun yung pagkakataon mo, pra gumaling, makawala, mapagaan ang mabigat mong loob, na aalisin na ng Panginoon. Sarap sa feeling nun nkakagaan talaga. Praise the Lord for that. Every altar call kada lessons nafifeel ko ung presence ni God at palaging nangungusap sa akin. Kaya sobrang thank you kay Lord.
and the very very blessed part nung camp ay yung after nung Lesson na Empowerment to be free, ni lesson dun yung kung paano humingi ng Holy Spirit at kung paano makatanggap nito, nalaman mo na kung minsan bakit kahit anong gawin mo kulang, di ka makatanggap kasi kailangan buong puso at bukal, isipin mo ang lahat ng kabutihan ng Panginoon ang Pagmamahal Niya, magpalinis ka sa Kanya at magpapuno.
ALtar call na, i started to pray, pero una talaga parang di ako makapag simula, tapos 2 times na may tumawag ng pangalan ko, di ko alam kung sino, pero di ko pinansin kasi siguro hadlang yun, para makatingin ako sa katabi ko, dumilat ako, pero nirebuke ko yun In Jesus name, tapos sabi FOCUS FOCUS FOCUS.. then ayun na unti unti na na fofocus yung damdamin ko kay God, i started to cry, tapos yung labi ko nangingig, namamanhid ang  buong katawan, pati kamay ko.. iniyak ko lahat, nagpasalamat, humingin ng tawad sa Panginoon, lahat lahat inalay, binitawan sa Kanyang mga kamay, tapos In-allow mo Siya na pumasok sa Pintuan ng puso mo, sbi nga sa bible, Humingi ka at ikaw ay pagbibigyan.. kaya yun ihiling mo lang, hintayin mo, i feel mo ng buong puso at yun na na yung naramdaman ko na gumaan ako, nakatayo ako tapos while ate roselyn is praying sa akin, napatumba ako, napaluhod ako, as in yung feeling talaga ang sarap at ang gaan gaan, super cry ako at ayun nga tuluyang natanggap yung Holy Spirit and started to speak in tongues, at first stammering hanggang sa parang there's a word that you're saying pero di mo alam. Nakataas ang kamay ko, crying, naaninag ko ang isang liwanag tapos someone is reaching my hand, nakatayo sa harapan ko maputi di ko makita ng mukha sa liwanag, nakataas talaga kamay ko, tapos may nakaabang din na kamay sa harap ko, Praise the Lord.!. Tpos may message na ipinarating si God sa akin "Anak, halika, lumapit ka sa Akin, lumapit ka sa Akin, mahal na mahal Kita, Anak ko, Malapit na Akong Dumating." Lalo akong umiyak at tumawag pa sa Panginoon...tapos pagkatapos na noon nanalangin na, umawit ng masayang awit, nag pupuri na, pero ako umiiyak pa din, di mawala yung iyak ko, kahit masaya yung awit, pero ang saya saya ko, ang payapa ng kalooban ko and i feel strengthened. Kaya sobrang pasasalamat ko sa Ating Panginoong Diyos, sa experience na ito at pag ibig niya, nandoon yung tagumpay pagkatapos.. para kaming mga sanggol na umiiyak sa aming magulang para sa gatas, sa dodo namin..Hallelujah talga sa Panginoon...I've Got Victory in Jesus.
sa nakabasa nito, naway iparamdam ng Panginoon sa'yo ang Pag-ibig niya at alalahanin si HEsus palagi, sapagkat siya ang HOly Perfect Father ng Lahat. Amen :)
altar call.

No comments:

Post a Comment