Movie yang “Crazy Little Thing Called Love” ng Thailand, napakaganda at based on a true story pa kaya makakarelate ka talaga.. super duper ganda ng story kasi tungkol sa highschool life, one girl na nagkakagusto sa senior niya na guy na super duper gwapo at sikat na sikat sa school nila, kumbaga they call it “heart-rob” haha :)
Kaya lang si girl ay medyo di kagandahan, first year siya nun then may mga friends siya na lagi niyang kasana simula palang ng elementary days niya, wala na ngang tropa siya kung yun lang, apat silang mag bebestfriends. Ang maganda nun yung mga bestfriends niya ay real super friends niya kase todo support to sa kanya and they always giving her a chance, her name was Nam and the guy’s name was Shone.
Habang tumatagal ay lalong naiinlove si Nam kay Shone, kaya lahat ginagawa nito para magustuhan siya nito, may book nga syang ginagamit e named “9 recipe of Love” hehe, katuwa nga eh, lahat yun ginawa niya at hanggang sa gumanda na sya at super sikat na din sa school nila, hanggang sa unti unting nagiging tropa na niya sila shone at yung friends nito.. then sa pangyayaring yun nalayo naman siya sa mga true friends niya kaya nagtampo to, kasi lagi nalang si shone ang iniintindi nung girl.. hayst kaya ayun they’ve been separated for weeks, badly and sadly din naman na nagkagusto kay Nam yung bestfriend ni Shone na si Top, kaya lalong nadismaya si Nam, kaya sinakyan na lang niya yung pan liligaw nito kasi alam niya na kapag tinanggihan niya si Top ay maaring magalit sa kanya si Shone.. time passes by at naging ok na din si Nam at yung friends niya dati at unti unting naibalik sa isang kanta lang ng friendship song nila hehe, yung cutest part nung movie.
Then, valentine’s day nun, at andaming gifts na natanggap ni Nam mula sa admirers and some other friends niya na boys and girls, pero ni isa sa mga gifts na yun ay wala siyang nagustuhan kasi isang gift lang naman yung inaantay at yun yung manggaling kay Shone, maya maya tinawag siya ng friend niya at pinalabas sa room nila ayun pala ay parating si shone at may dalang flower rose na puti (sa isip ni nam tuwang tuwa siya) then sabi ni shone ng iabot na ang rose “its from a friend of mine” .. hayst ng marinig niya yun, nagulat siya at ang matamis na ngiti niya ay napalitan ng lungkot at pagtataka at alinlangan…..
days passed, they’re friends got a plan na ipagtapat na ni nam kay shone ang feelings niya, kasi lahat na ng recipes ay nagawa na niya kaya naisip na nila na yun na ang best way.. kinabukasan parang valentine’s day or closing party ng campus, bigayan ng gifts and everything.. sinundan ni nam si shone at papuntang pool area.. dun na nagtapat si nam kay shone at sobra ang iyak niya, inabot na din niya yung rose na puti, then may nakita siyang sulat sa damit ni shone na “Pin Love Shone” kaya nagulat siya at biglang patak ng luha, “Pin and Shone?” .. tumango lang si shone.. “when?” “last week” .. super duguan ang puso ni nam, at paulit ulit na sinabi na bagay na bagay daw si pin at shone… pagtapos nun wala na umalis na siya at naging clumsy pa nga bago umalis sa pool area, nalag lag pa nga siya sa pool e.. hayst poor nam…
Wala namang nasabi si shone.. pero kita din sa mukha ni shone na malungkot siya..
Pauwi sa bahay nila nadatnan niya yung mga kaibigan ng papa niya sa football team sa bangkok at siyay pinapupunta dun para tuluyang maglaro na.. sa kwarto niya ay binuksan niya ang isang malaking notebook na ang laman ay……..puro pictures ni nam, scrapbook ba? hehe, naglalaman yun ng pagtingin ni shone kay nam, at lahat ng pangyayari sa kanila ni nam, may gusto rin pala si shone kay nam pero di niya magawang ligawan kasi dahil nga sa promise niya sa bestfriend niyang si top na di niya liligawan si nam.. kaya ayun.. lahat ng efforts ni nam ay hindi pala nasayang.. :))
9 years later, sikat na si nam na designer.. at si shone na photographer and footballer.. nagkita sila sa isang tv show kung saan ay guest si nam.. binigyan ng flower ni shone si nam at umupo at nagusap.. sbi ni shone “this button is not mine, it maybe ding’s.”.. sabi ni nam “Aww. Have you been married”? …….. ang tagal sumagot ni shone ..”I have, I have, Ummm.. I have been waiting for a girl from america?” then sobrang tuwa si nam ..at dun na natpos ang movie.. kabitin nga ee..
enxa npo kung medyo cutted ang summary ng movie sakin.. hehe super duper haba kasi. maganda kung mapanuod.. thnx :)

No comments:
Post a Comment