Bata palang ako, born again na ang mga magulang ko, nagsisimba kame, sa madaling salita lumaki ako sa Simbahan. Dati dati ako ay nanunuod lang sa tuwing pupunta kame sa simbahan, nakaupo sa tabi ng mama at papa ko, nakikipaglaro sa mga kapwa ko bata, nagaaral ng mga bible stories at kasama pa ako sa Children's ministry noon....pero ngayon ang dating batang magulo at makulit noon, nakikipaglaro ay isang teacher na ng mga sumunod na batch ng children's, naibabahagi ko sa kanila at naikwekwento ko yung mga stories about the bible na alam ko at napag aralan ko noong bata pa ako sa simbahan. Hindi lang yun, unti unti pa akong nagagamit ng Panginoon sa simbahan namin, dati choir lang sa worship service, ngayon nag sosolo na at minsan nag woworship lead, hanggang sa ang Lord ang nagbigay ng kakayahang makapag compose ako ng mga kanta, ginawa ko ang mga bagay na yun para sa kaluwalhatian ng Diyos, alam ko na hindi ako kundi ang Diyos, at sa kanya lahat nanggaling ang mga talento ko, kaya dapat ko itong pahalagahan. Every sunday kumakanta sa pulpito kasama ang mga kasabayan ko noon. Ang laki ng ginawa sa akin ng Panginoon, hindi lang sa akin, pati na rin sa pamilya ko. Nandun yung time na nagkaroon ng malalaking problema sa pamilya, nanlupaypay at humina ang pananampalataya pero sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na iyon ay hindi kame binitawan ng Diyos, pinalakas niya muli ang mga spiritual na pangangatawan namin at sya ang naging sandigan namin nung mga araw na yon, pero hindi lang naman sa twing dumadanas kame ng mga problema nagiging sandigan ang Panginoon, ngunit araw araw at sa darating pa. Laging nandyan ang Panginoon para sa ating lahat, sya ay kaibigan at ama sa ating lahat, hindi niya kailanman tayo iiwan dahil tayo ay mahal niya.
UNCONDITIONAL LOVE(Agape Love) ang pagmamahal na meron si Hesus, pagmamahal na ipinadama niya sa ating lahat at ginagawa niya hanggang ngayon. Walang kapalit, walang kapantay at wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal na ipinagkaloob at ipinapadama ng Diyos sa atin. Isipin mo yung araw na sya ay pinako sa Krus, naghirap sya, nagsakripisyo at namatay para sa ating lahat, upang tubusin sa ating mga kasalanan. Sya ay namatay, inilibing at nabuhay na magmuli.
Walang sinumang Diyos ang makakagawa ng mga pinagdaanan ng ating Kristo Hesus sapagkat siya ay HARI NG MGA HARI, at DIYOS NG MGA DIYOS. Makapangyarihan ang ating Diyos at walang sinuman ang makakagawa ng mga bagay na pinaghirapan niya at dinanas niya. Nagkatawang tao sya, at pinili ang pinaka mababang uri ng tao, ang pagiging Alipin nang sa ganoon ay mailapit niya ang sarili sa ating mga taong mga anak niya. Maraming ilan ang di naniwala sa kanya na siya ang MESIAH, kung kaya't siya ay tinukso ng mga tao at pinagbababato. Bumababa si Hesus mula sa langit upang ipakilala ang kanyang mga salita, at ipakilala na sya ang Diyos at ang salita niya at siya ay iisa. Walang sinuman ang makakapantay sa Diyos kong si Hesus, sa Diyos nating si Hesus. Sya ay dakila at dapat nating purihin.
Si Hesus ang Diyos ko at wala ng iba, ang mga pagpapala niya ay walang kapantay.
He is my Healer
He is my Provider
He is my Lord
and He will always be my God.
Praise the Lord ! Amen.
No comments:
Post a Comment